Ang International Myeloma Foundation (IMF) ay nangunguna at pandaigdigang namumuno sa larangan ng multiple myeloma. Ang aming misyon ay pahusayin ang kalidad ng buhay ng mga pasyenteng may myeloma habang nagsusumikap gumawa ng hakbang upang ito’y maiwasan at mahanapan ng lunas. Simula 1990, pinaglilingkuran na ng IMF ang komunidad ng mga may myeloma sa pamamagitan ng sumusunod na apat na haligi:
PANANALIKSIK Sa IMF, pangunahing prayoridad namin ang paghahanap ng lunas para sa myeloma. Ang IMF Scientific Advisory Board (SAB) ng nangungunang mga eksperto sa myeloma, ay kumikilala sa mga pangunahing oportunidad upang isulong ang pananaliksik. Ang IMF Black Swan Research Initiative® (BSRI®) ay determinadong isulong ang maagang screening para sa precursor condition ng myeloma habang nakatutok sa paghahanap ng lunas sa pamamagitan ng mga clinical trials. Ang IMF International Myeloma Working Group (IMWG) ay nagbibigay ng mga epektibo at katiwa-tiwalang patnubay para sa pag-diagnose, paggamot, at pamamahala ng myeloma. Pinopondohan din ng IMF ang mga makabagong pananaliksik sa pamamagitan ng IMF Brian D. Novis Research Grants.
EDUKASYON Ang myeloma ay isang kumplikado at natatanging karanasan para sa bawat pasyente. Ang IMF ay nag-aalay ng daan-daang video at libreng publikasyon sa maraming wika upang turuan at bigyan ng lakas ng loob ang mga pasyente at mga partner sa pangangalaga nang kanilang makayanan ang mga hamon ng myeloma. Libre ang lahat ng IMF seminar, webinar, at mga workshop at idinisenyo ang mga ito upang direktang maiugnay ang komunidad at pasyente sa mga ekspertong myeloma clinician. Ang IMF Nurse Leadership Board (NLB) ang nagbibigay ng mga rekomendasyon para sa pamamahala ng myeloma. Ang IMF M-Power Project ay nagsusumikap na buwagin ang mga hadlang at tiyakin ang pantay-pantay na pagtrato at pagbantay sa kalusugan ng mga higit na nangangailangan ng serbisyong medikal.
SUPORTA Ipinakikita ng mga pag-aaral na makakatulong ang suportang panlipunan upang lubos na mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga may kanser. Ang IMF ay nag-aalok ng higit sa 160 na mga support groups sa myeloma sa buong North America, kabilang ang mga espesyal na grupo para sa mga nagsasalita ng Espanyol, para sa mga bagong nadiagnose ng myeloma, para sa mga care partner ng mga pasyenteng may myeloma, at sa mga pasyenteng walang care partner. Sinasagot ng IMF InfoLine ang mga katanungan tungkol sa myeloma. Ang generative AI assistant na si Myelo®, ay available 24/7 upang tumulong maghanap at magbigay ng mga maaasahang resources para sa mga pasyente, care partner at maging mga health care professionals.
ADBOKASIYA Sa U.S., kinakatawan ng IMF Advocacy team ang iyong mga interes sa pederal at estadong lebel. Sa buong mundo, sinisikap ng IMF Global Myeloma Action Network (GMAN) na mapabuti ang access ng mga pasyente sa mga paggamot.
Ang Vision ng IMF:
Isang daigdig kung saan maaaring mamuhay nang lubos ang bawat pasyenteng may myeloma, nang walang pasaning dala ng sakit.




